Posts

Image
PAGSUSURING PAMPANITIKAN Talambuhay ni Amado V. Hernandez Si Amado Vera Hernandez ay isinilang noong ika-13 ng Setyembre  taong 1903.  Ipinanganak siya sa Sagrada familia sa Hagonoy , Bulacan subalit siya ay lumaki sa Tondo, Manila kung saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspndence School). Si Amado V. Hernandez ay tinaguriang “Makata ng mga Manggagawa” sa ating panitikan sa kadahilanang sinasalamin ng kanyang mga tula ang marubdob na pagmamahal sa  mga dukhang manggagawa. Siya ay naging isang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa. Pinuna niya at sinuri ang kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong panahon  ng pananakop ng amerikano. Nakipag-ugnayan siya sa mga komunista na siyang naging sanhi ng kanyang pagkakakulong. Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Siya ay batang ama at nagka anak sa maagang edad. Ang mag-asawa ay kapwa binigyan ng p