PAGSUSURING PAMPANITIKAN



Talambuhay ni Amado V. Hernandez

Si Amado Vera Hernandez ay isinilang noong ika-13 ng Setyembre  taong 1903.  Ipinanganak siya sa Sagrada familia sa Hagonoy , Bulacan subalit siya ay lumaki sa Tondo, Manila kung saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspndence School).

Si Amado V. Hernandez ay tinaguriang “Makata ng mga Manggagawa” sa ating panitikan sa kadahilanang sinasalamin ng kanyang mga tula ang marubdob na pagmamahal sa  mga dukhang manggagawa. Siya ay naging isang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa. Pinuna niya at sinuri ang kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong panahon  ng pananakop ng amerikano. Nakipag-ugnayan siya sa mga komunista na siyang naging sanhi ng kanyang pagkakakulong.

Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Siya ay batang ama at nagka anak sa maagang edad. Ang mag-asawa ay kapwa binigyan ng pagkilala. Kinilala bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan  si Amado V. Hernandez, samantalang si Atang de la Rama naman ay kinilala para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.
Si Amado V. Hernandez ay naging tagapagsulat sa babasahing Watawat. Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa mga Pagkakaisa at naging patnugot ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang mga sulatin ang pansin ng mga dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa kaniyang mga salaysayin at tula ay napabilang sa mga antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ng Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla.

Noong 1922, naging kabahagi si Hernandez ng samahan pampanitikan na Aklatang Bayan na kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa Tagalog na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de Jesus. Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula .Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento".


Ang Panday
Tula ni Amado V. Hernandez

Kaputol na bakal na galing sa bundok,
Sa dila ng apoy, kanyang pinapalambot;
Sa isang pandaya’y matyagang pinukpok
At pinagkahugis sa nasa ng loob.

Walang anu-ano’y naging kagamitan
Araro na pala ang bakal na iyan;
Ang mga bukiri’y payapang binubungkal,
Nang magtaniman na’y masayang tinamnan.

Ngunit isang araw’y nagkaroon ng gulo
At ang buong bayan ay bulkang sumubo,
Tanang mamamaya’y nagtayo ng hukbo
Pagka’t may laban nang nang aalimpuyo!

At lumang araro’y pinagbagang muli
At saka pinanday nang nagdudumali.
Naging tabak namang tila humihingi
Ng paghihiganti ng lahing sinawi;

Kaputol na bakal na kislap ma’y wala,
Ang kahalagahan ay di matangkala,
Ginawang araro, pambuhay ng madla;
Ginawang sandata, pananggol ng bansa!

Pagmasdan ang panday, na sa isang tabi,
Bakal na hindi man makapagmalaki;
Subalit sa kanyang kamay na marumi,
Nariyan ang buhay  at pagsasarili!



PAGSUSURI

May-akda: Amado V. Hernandez
Pamagat ng Tula: Ang Panday
Teoryang Pampanitikan: Teoryang Realismo
Sa tulang “Ang Panday”, masasalamin na nais ipakita ng may-akda ang mga karanasang nasaksihan niya sa kanyang lipunan. Isinatitik niya ang mga naging kaganapan noon sa panahong naghahanap ng kalayaan at kasarinlan ang bansang Pilipinas. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay subalit nilapatan ng may-akda ng kasiningan upang mas maging epektibo ang kanyang isinulat.


ELEMENTO NG TULA:
o   Tugma - ang tugma ay ang pagkakapareho sa mga huling salita sa isang taludtod. Sa tulang ito ay mayroong mga tugmang nakapaloob. Mapapansin nating may pagkakapareha sa bawat huling pantig ng mga huling salita sa bawat taludtod.
o   Sukat – ang tulang ito ay may lalabing-dalawahin (12) na pantig. Ito ay tradisyonal na anyo ng tula.
o   Paksa o Kaisipang Taglay ng Tula - sa tulang ito, ipinapakita kung paano namulat ang mga Pilipino sa katotohanan noong hawak pa ng mga banyaga ang ating bansa. Ipinapakita rin dito kung paano natutong lumaban ang mga Pilipino para makamit ang sariling kalayaan sa kamay ng mga mapansamantalang dayuhan.
o   Aliw-iw – tradisyonal ang pagbigkas ng tulang ito, taglay ng tulang ito ang maindayog na pagbigkas.



LAYUNIN  NG AKDA


Layunin ng may-akda naipakita kung paano namulat ang mga Pilipino noong nasa kamay pa tayo ng mga mananakop. Mababatid iyan sa dalawang saknong ng tulang “Ang Panday.”



At lumang araro’y pinagbagang muli
At saka pinanday nang nagdudumali.
Naging tabak namang tila humihingi
Ng paghihiganti ng lahing sinawi;

Kaputol na bakal na kislap ma’y wala,
Ang kahalagahan ay di matangkala,
Ginawang araro, pambuhay ng madla;
Ginawang sandata, pananggol ng bansa!

Nais isiwalat ng may-akda kung paano natutong manindigan ang mga Pilipino noon upang ipaglaban ang kasarinlan ng ating bansa. Sinasalamin ng dalawang huling taludtod kung paano nag-iba ang paniniwala ng mga Pilipino at nagkalakas ng loob upang maghimagsik laban sa mapanuyang pamamahala.



KASAYSAYAN
Ang tulang ito ay ang pinaka-obra maestrang akda ni Amado v. Hernandez sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano.  Inilathala niya ito  upang ipakita kung paano natutong lumaban ang mga Pilipino. Pinatutunayan lamang nito na noon poa man, hindi kailanman naging mangmang ang mga Pilipino.


Ang tulang “Ang Panday” ay isang patunay  na may paninindigan at kadakilaang taglay ang mga Pilipino. Maliitin man, apak-apakan man ng makailang beses, matututo itong bumangon upang ipaglaban ang salinlahi.


Ginawang araro, pambuhay ng madla;
Ginawang sandata, pananggol ng bansa!

                Sa dalawang linyang ito, sinasabi ng may-akda na mula sa simpleng pamumuhay ng mga Pilipino, mula sa pagiging sunod-sunoran sa mga banyaga ay natuto silang lumaban para ipagtanggol ang sariling bansa.



Comments

  1. Pls gumawa kayo ng pagsususp sa tulang aklasan Ni Amado HERNANDEZ

    ReplyDelete
  2. Sana may pagsusuri kayo sa Aklasan.. kailangan na kailangan ko po ito jgayon

    ReplyDelete
  3. Sana po mayroon kayong pagsusuri sa aklasan kasi kailang ko po ito ngayon

    ReplyDelete
  4. Las Vegas casino bonus codes 2021: $20 free chip
    Looking for the best free 전주 출장마사지 chip 포항 출장샵 bonuses 제천 출장안마 online? ➤ Best No Deposit Bonus Codes in 구미 출장마사지 2021! ➤ Play 군산 출장샵 Now ✓ No Deposit Required!

    ReplyDelete

Post a Comment